
Ang tatlong pari:
Mariano Gomez
Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor,Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.
Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”
Jacinto Zamora
Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, “Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.
Jose Burgos
Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan,Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)
Ang Gomburza ay hindi lamang naging inspirasyon para kay Rizal ngunit pati na rin kay Bonifacio at sa mga Katipunero.
Sinasabi na kung hindi nangyari ang rebelyon sa Cavite at ang pagkabitay sa tatlong paring martir, maaaring iba ang tinahak na direksyon ng buhay ni Rizal.
Ang mga ito ang nagbigay inspirasyon sa akin upang gamitin ang alyas na gomburza sa website na ito. Sapagkat ang paggising sa diwa ng mambabasa tungkol sa mga opinyon na aking ilalathala sa website na ito ay ninanais makamit. Maging ang magbahagi ng ilang karanasan sa buhay pagdulutan man ng aral o hindi.
No comments:
Post a Comment